Kasaysayan

Ang M&L Pharmaceutical ay isa sa mga pinakamasigasig na kompanya sa Southern California. Simula pa noong 1991, ang M&L Pharmaceutical ay nakatuon na sa kahusayan ng mga produkto. Kami ay tapat sa aming layuning gumawa ng pinakamataas na kalidad ng mga vitamins, minerals, herbs, botanicals, at iba pang mga produktong pangkalusugan sa Estados Unidos at maging sa buong mundo.

Ang epektibo at agarang pagkakaroon ng malawak na mga produktong iniaalok, presyong abot-kaya para sa mga kliyente, at ang kalidad ng materyal na ginagamit sa mga pormula ay ang mga namumukod tangi naming katangian. Ang M&L Pharmaceutical ay may matatag na reputasyon ng katapatan at kahusayan sa industriya ng encapsulated vitamins.